TAG ME

VOCALIST





i am what i am. the past is what made me.

the future is what awaits me.

the present is what molds me.

i live to LAUGH, to THINK, and to LOVE.

show me a man who doesn't know how to laugh, and i'll show you a man with a tag around his dead toe...

show me a man who disregards knowledge and wisdom, and i'll show you an oyster's shell empty of its treasure.

show me a man who doesn't know how to love, and i'll show you a statue; an object that knows no time, no thought, no emotion.

BANDMATES
Natsuhime
Golda
My Friendster Account!
Exponential Complexity
Elizel
Apreal
Dean
Barry
Smurf

PAST GIGS
2006-10-15
2006-10-22
2006-10-29
2006-11-05
2006-11-12
2006-11-26
2006-12-17
2006-12-31
2007-01-07
2007-01-14
2007-01-28
2007-02-04
2007-02-11
2007-02-18
2007-02-25
2007-04-01
2007-04-22
2007-06-17
2007-06-24
2007-07-08
2007-07-15
2007-07-22

CREDITS
skin by
golda :)

Friday, June 29, 2007
SANA, SANA, SANA...

Hindi ko alam kung ano ang problema niya, hindi ko alam kung ano ang problema ko sa kaniya. Hindi namin alam kung ano ang problema sa aming dalawa.

Kanina lang, naglog-on ako sa Yahoo! Messenger at hindi ako naka-invisible gaya ng dati. Laking gulat ko nung nakita kong naglog-in din siya. Tapos maslalo akong nagulat kasi bigla siyang umalis… Ano kaya yun?? Ito ba’y dahil nakita niyang nakalog-on ako at ayaw niya akong makausap? Nung isang gabi nga, parehas kaming nasa YM at di kami nagpapansinan, para kaming naglalaro: “sino’ng unang bibigay at makikichat”.

Ang gulo na talaga ng utak ko, lalung lalo na ang nararamdaman ko. Hay lecheng pag-ibig nga naman talaga o. Wala na akong ibang magagawa kundi ang mapabuntung-hininga. Nakakalungkot isipin, kaibigan nung una, nagka-ibigan, muntik nang maging ngunit hanggang kaibigan lang pala ang makakaya. Akala ko siya na, pero sa mga asta niya nitong mga nakaraang araw? He’s not worth it.

Pero bakit ganito? Kahit gusto ko na talaga siyang pabayaan, ayaw pa rin ng utak at puso ko (leche, drama na naman. Ito ang ayoko sa mga ganito). Nakukulitan na nga ako sa sarili ko. Paano naman kasi, siya itong magulo. Sabi niya nung una, “friends” na lang daw. Tapos babaliktad, ang lambing-lambing na naman niya, kulang na lang magsyota. Syotang-ina talaga! Parang siya itong babae! Masmalala pa siya kaysa sa’kin!

Hindi ko alam kung ano ang nasasaktan sa akin ngayon: ang puso o ang ego?

Mahal ko ba talaga siya o gusto ko lang siya?

Ano ba talaga ang nararamdaman niya sa akin?

Leche siya. Ginagago lang ba niya ako??

Mga tanong na di ko rin mawari ang sagot.

Sana hindi na lang umabot sa ganito, sana wala na lang nagkaaminan. Sana di na lang kami nagging malapit sa isa’t isa.

Sana, sana, sana…